Narito ang ilan sa mga quotes na na-receive ko, yung iba accidentally nabura ko kaya di ko na naisama dito. Kung may alam kayong quotes na di pa included dito, please paki-post naman at lubos ko itong ipagpapasalamat....
1. Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka. Isa lang ibig sabihin non, ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo na ang magpakatanga.
2. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga, matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka rin namang nasasaktan. Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. Wag kang magpapadala sa salitang "sorry" at "Ayokong mawala ka!" Kung totoo yon, papatunayan niya.
3. Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magreklamo.... kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka... kaya quits lang.
4. Ang pinakamahirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka niya hahabulin.
5. Huwag mong bitawan ang isang bagay na ayaw mong makitang hawak ng iba.
6. Kung tutuusin, hindi naman masarap ang alak.... Yung mga kainuman lang ang nagpapasarap.
7. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
8. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
9. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
10. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
11. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
12. “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
13. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
14. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o gwapo. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
16. "Kung minsan ay naiisip mo at nararamdamang hindi ka mahal ng taong mahal mo, TAMA KA. Dahil hindi ka niya pababayaang magkaroon ng ideya at pagkakataon na mag-isip ng ganung bagay kung talagang mahal ka niya."
********************************************************************************
101 WAYS TO EARN MONEY
I want to share with you the following tips on how to earn money that I have read in my fave magazine which is written by Mr. Anthony T. Chua. Hope youenjoy reading.
1. The first option of those people who are out of their job is to set up a business. This is a very preferable option if you have saved enough money during your fortunate times and you have acquired and improved your business skills while still working as an employee. If you don't have enough savings and you are not accustomed to moderate risk-taking, a very essential trait of an aspiring entrepreneur, you can still become a businessman by entering into the following business ventures: read more...
Labels: bob ong, bob ong quotes, quotes ni bob ong