MARCH: FIRE PREVENTION MONTH

Thursday, March 12, 2009
I. MGA DAHILAN NG SUNOG

1. Salasalabat na linya ng kuryente.
2. Mga kagamitang matagal na naiwang bukas (Bentilador, Plantsa, atbp)
3. May singaw na hose ng gas (kerosene)
4. Kandila, lampara at iba pang katulad nito na nadaite sa papel, tela at iba pa.
5. "Short Circuit"
6. Dahil sa kapabayaan.


PAANO MAKAIWAS SA SUNOG

1. Bago matulog o umalis ng bahayay siguraduhing walang nakabukas na gamit na maaaring mag-overheat dahil sa labis na paggamit, tulad ng Electric fan, Plantsa at iba pa.
2. Iwasan ang "OCTOPUS CONNECTION" o ang salasalabat na linya ng kuryente.
3. I-check kung may singaw ang hose ng gas (kerosene) bago gamitin ang stove o kalan. (Malalaman mo ito sa pamamagitan ng amoy nito.)
4. Iwasang maglagay ng kandila, lampara at iba pang ginagamit upang magbigay liwanag, sa tabi ng kurtina. Ilayo ito sa lugar na madaling maabot ng mga bata o madadaanan ng pusa, daga o aso.
5. Ugaliing i-check ang mga nakatagong linya ng kuryente na maaaring kutkutin ng daga o iba pang insekto. Kung bukas na ang pabalat ng kawad ay maaaring simulan ito ng tinatawag na "short circuit" o ang pagdirikit ng dalawang linya ng kuryente.
6. Maging responsable sa lahat ng mga kagamitan. Ang sunog ay bunga na rin ng
kapabayaan.


III. ANO ANG GAGAWIN KUNG MAY SUNOG


1. Iwasan ang magPANIC
2. Humingi agad ng tulong sa mga kapitbahay
3. Kung may linya ng telepono ay tumawag agad sa pinakamalapit na bombero.
4. Iwasang buhusan ng tubig ang apoy na ang dahilan ay bukas na linya ng kuryente o "Open live wire" o short circuit upang maiwasan ang pagkakuryente.
5. Ibaba agad ang plug ng switch board o switch box.
6. Unahing iligtas ang sarili bago ang kagamitan, kung kinakailangan.
7. Higit sa lahat ay huwag kalimutang manalangin sa Diyos.


-------------------------------------------------------------------------------------

101 WAYS TO EARN MONEY


I want to share with you the following tips on how to earn money that I have read in my fave magazine which is written by Mr. Anthony T. Chua. Hope you enjoy reading.
read more...



-------------------------------------------------------------------------------------

BOB ONG'S QUOTES


Madami na akong nare-receive na mga quotes thru text messages na kay BOB ONG nagmula. Nakakatawa pero totoo naman ang meaning, simple nga lang kung bumanat pero may dating. Sino nga ba si BOB ONG? kung may nakakaalam sa inyo kung sino siya, ipakilala nyo naman sa akin oh he he.... READ MORE...

Labels: ,

Monette Cookie
Comment on This Entry