TYPHOON UNDOY HITS PHILIPPINES

Monday, September 28, 2009
26 September 2009 - Umaga pa lang ulan na ng ulan, di kasi ako mahilig makinig ng balita kaya di ko alam na may padating na palang bagyo, ang ngalan ng bagyo ay UNDOY o Ondoy. Bago magtanghali ay sumobra na ang lakas ng ulan kaya nagpaalam na kami sa boss namin upang makauwi na. Naglakad kami sa kahabaan ng Washington st dito sa merville subdivision pero wala pa ding tricycle na dumaraan. Madami naman kami kaya ok lang kung maglakad kami pauwi hanggang gate 1 palabas. Laking gulat namin ng malapit na kami sa Belvedere St, nakita namin ang hangga bewang na baha... hindi na makadaan ang maraming sasakyan. Ang iba ay lumusob na sa baha para lang makauwi pero naisipan naming pumunta sa ibang gate (gate 2 to gate 4) nagbabakasakaling mas mababa ang baha doon, pero laking mangha namin dahil di lalo kami makadaan sa ibang gate dahil di hamak na mas malalim ang baha doon, madami na naestranded na mga sasakyan dahi; yung ibang daan ay halos lagpas tao na. nagbabalak na lang kami na bumlik sa opisina ng tumawag ang aming boss at subukan daw na maihatid kami palabas gamit ang kanyang Pajero. Nakakatakot pero laking pasalamat namin at nakatawid naman kami ng maayos sa hangga bewang na baha, ang tapang ng boss ko! Sayang at di ko man lang nakunan ng picture ang mga pangyayari pero makita nyo via YOUTUBE ang balita at videos na tungkol din sa bagyong ito. Sana ay ligtas naman ang lahat lalo na sa mga flooded area like marikina at rizal.







Labels:

Monette Cookie
Comment on This Entry